Monday, September 19, 2022

Gawain ni Daniela M. Cenita

 Kamusta! Ako si Daniela Cenita, aking ipapakita sa blog na ito ang aking nabuong proyekto tungkol kay Graciano Lopez Jeana at ang kanyang ginawa na nagpausbong ng damdaming nasyonalismo. 



       Si Graciano Lopez Jaena ay ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong Disyembre 18, 1856. Ang            kanyang mga magulang ay sina Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena. Siya ay isang mahusay na manunulat, repormista at isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas. Nakilala siya bilang Prinsipe ng mga Pilipinong Orator, subalit sa edad na 39 siya ay namatay noong Enero 20, 1896 sa Barcelona Espanya. Mula sa kanyang pahayagang tinatawag na "LA SOLIDARIDAD"(na aking ipapakita sa susunod na sanaysay), kanyang ipinakita ang kanyang pagiging makabayan at pagiging bayani sa ating lahat. 

 

 Si Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot ng La Solidaridad (the solidarity), na isang pahayagan. Ang La Solidaridad ay isang diyaryo na nilayon upang iparinig sa gobyernong espanya ang masaklap na kalagayan ng mga Pilipino. Ito rin ay isang quincenario, at unang inilimbag sa Barcelona, Espanya. Naging opisyal ang pahayagang ito mula noong, 15 Pebrero 1889 hanggang 15 Nobyembre 1895. Sa loob ng walong taon, ito ang naging tinig sa payapang paghingi ng reporma, ngunit hindi ito nagtagumpay. Gayunpaman, mahalaga pa rin ang pahayagang ito, sapagkat matutunton dito ang pagyabong ng pampulitikang kaisipan ng mga Pilipino.

Gawain ni Daniela M. Cenita

 Kamusta! Ako si Daniela Cenita, aking ipapakita sa blog na ito ang aking nabuong proyekto tungkol kay Graciano Lopez Jeana at ang kanyang g...