Si Graciano Lopez Jaena ay ipinanganak sa Jaro,
Iloilo noong Disyembre 18, 1856. Ang kanyang mga
magulang ay sina Placido Lopez at Maria Jacoba
Jaena. Siya ay isang mahusay na manunulat,
repormista at isa sa mga pambansang bayani ng
Pilipinas. Nakilala siya bilang Prinsipe ng mga Pilipinong Orator, subalit sa edad na 39 siya ay namatay noong Enero 20, 1896 sa Barcelona Espanya. Mula sa kanyang pahayagang tinatawag na "LA SOLIDARIDAD"(na aking ipapakita sa susunod na sanaysay), kanyang ipinakita ang kanyang pagiging makabayan at pagiging bayani sa ating lahat.
Si Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot ng La Solidaridad (the
solidarity), na isang pahayagan. Ang La Solidaridad ay isang diyaryo
na nilayon upang iparinig sa gobyernong espanya ang masaklap na
kalagayan ng mga Pilipino. Ito rin ay isang quincenario, at unang
inilimbag sa Barcelona, Espanya. Naging opisyal ang pahayagang ito
mula noong, 15 Pebrero 1889 hanggang 15 Nobyembre 1895. Sa
loob ng walong taon, ito ang naging tinig sa payapang paghingi ng
reporma, ngunit hindi ito nagtagumpay. Gayunpaman, mahalaga pa
rin ang pahayagang ito, sapagkat matutunton dito ang pagyabong ng
pampulitikang kaisipan ng mga Pilipino.